ProclamationNational

Proclamation No. 174, s. 2002 - Signed on April 12, 2002: Nagtatakda sa taong 2002 bilang Sentenaryo Ng Pambansang Kilusan Ng Mga Manggagawa Ng Pilipinas.

Signed on April 12, 2002: Nagtatakda sa taong 2002 bilang Sentenaryo Ng Pambansang Kilusan Ng Mga Manggagawa Ng Pilipinas.

April 12, 2002

Proclamation No. 174, s. 2002

MALACANANG

PMS LIBRARY

SA NGALAN NG PANGULO NG PILIPINAS MEK (0#%F.

PROKLAMASYON BLG. 174

NAGTATAKDA SA TAONG 2002 BILANG SENTENARYO NG PAMBANSANG KILUSAN NG MGA MANGGAGAWA NG PILIPINAS

SAPAGKAT, ang pakikipaglaban ng manggagawang Filipino para sa kasarinlang, katarungan at pagkakapantay-pantay ang naging inspirasyon upang malikha ang kauna-unahang pambansang kilusan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Unyon Obrero Democratica noong Pebrero 2, 1902;

SAPAGKAT, makalipas ang isang siglo at nararapat na gunitain ng bansa ang pagkalikha ng Union Obrera Democratica at ang ginampanan ng kilusan ng mga unyon ng mga manggagawa at sa pagbuo ng bansa at sa pagsulong ng nasyonalismo;

DAHIL DITO, AKO, SI GLORIA MACAPAGAL -ARROYO, Pangulo ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang pinagkaloob sa akin ng batas ay nagpapahayag na ang taong Mayo 1, 2002 hanggang Abril 30, 2003 ay “Sentenaryo ng Pambansang Kilusan ng Mga Manggagawa ng Filipinas”.

Seksiyon 1. Tagapamahala. Ang Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay ay inaatasan na bumuo, mangasiwa, at makipag-ugnayan sa pagsasagawa ng programa para sa isantaong pagdiriwang mula Mayo 1, 2002 hanggang Abril 30, 2003.

Seksiyon 2.° Inisyal na Pondo. Ang halagang tatlung milyong piso (P3,000,000.00) na kukunin sa “President’s Contingent Fund” (PCF) ay palalabasin upang ipatupad ang mga probisyon ng Proklamasyong ito.

Seksiyon 3. Pagkabisa. Ang deklarasyong ito ay agad na magkakabisa.

NILAGDAAN sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika- 42 ng abriSataon ng ating Panginoon, dalawang libo at dalawa.

Sa ngalan ng Pangulo:

C/mae pat

ALBERTO G.ROMULO genni Kalihim Tagapagpaganap <emtaghoret i a

| se | wa! CQ 00000

ARY BCODEO PGMA Outgoing # 104

Cite this

Proclamation No. 174, s. 2002 - Signed on April 12, 2002: Nagtatakda sa taong 2002 bilang Sentenaryo Ng Pambansang Kilusan Ng Mga Manggagawa Ng Pilipinas.. BatasPH. Approved April 12, 2002. https://batasph.thirdygayares.com/proclamations/proclamation-no-174-s-2002