ProclamationNational

Proclamation No. 19, s. 1986 - Signed on August 12, 1986: Na Nagpapahayag Ng Pagdiriwang Ng Linggo Ng Wikang Pambansa Tuwing Agosto 13-19 Taun-Taon.

Signed on August 12, 1986: Na Nagpapahayag Ng Pagdiriwang Ng Linggo Ng Wikang Pambansa Tuwing Agosto 13-19 Taun-Taon.

August 12, 1986

Proclamation No. 19, s. 1986

PMS LIBRARY

RE MALACANANG

Manila ; ae ae

“"" PROKLAMASYON BLG. 19

NA NAGPAPAHAYAG NG PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKANG PAMBANSA TUWING AGOSTO 13-19 TAUN-TAON. ‘

SAPAGKAT ang isang katutubong wikang panlahat ay buklod ng pambansang pagkakaisa, sagisag ng karangalang panlahi, at mabisang.kasangkapan sa pag-unlad ng isang bansang nagsasarili at malaya; at ,

SAPAGKAT ang Wikang Pambansang Pilipino ay gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod ng bagong pamahalaan.

DAHIL DITO, Ako, si CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng

Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang kaloob sa akin ' ng batas, ay nagpapahayag na taun-taon, ang panahong mula

Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba't ibang larangan ng buhay.

BILANG KATUNAYAN, lumagda-ako rito at ikinintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas.

; Isinagawa sa lungsod ng Maynila, ngayong ika 12 araw ng Agosto labinsiyam na raa't walumpu't anim; at ng kasarinlan ng

Pilipinas, ikawalumpu't walo. CORSZON C. Cee

Pangulo ng Pilipinas

Cite this

Proclamation No. 19, s. 1986 - Signed on August 12, 1986: Na Nagpapahayag Ng Pagdiriwang Ng Linggo Ng Wikang Pambansa Tuwing Agosto 13-19 Taun-Taon.. BatasPH. Approved August 12, 1986. https://batasph.thirdygayares.com/proclamations/proclamation-no-19-s-1986